Nagising ako sa sikat ng araw na sinabayan pa ng sakit,
Ang sakit na mararamdaman mo na para bang sa’yong katawan ay naka-ukit.
Biglaan kang naiiyak na para bang wala nang bukas,
Ngunit ang dinadala kong ito ang alam kong magbibigay ng lakas.
Isang minutong kasiyahan ay mapapalitan ng isang oras na lungkot,
Na tila ba ako’y pagod na pagod at punong-puno ng takot.
Na habang tumatagal lalo akong nababalisa,
Kailan ba matatapos ang nararamdamang takot at pangamba?
Minsan ay normal naman ang lahat at tila maayos ang pakiramdam,
Ngunit bigla na lang akong susuko at ninanais nang magpaalam.
Natutulala, naga-alala, ni hindi ko na magawa ang mga nais ko sa buhay,
Ngunit kapag nasisilayan ko sila, muling nagkakaroon ng kulay.
Isa na akong ina na nagigising sa iyak ng isang anghel na sakin ay pinadala,
Isang nanay na lumalaban sa mga gumugulo sa aking isipan at diwa.
Isang magulang na kailangang bumangon para sa kanila,
Isang ina na mas pipiliin ang pamilya kaysa sa sakit na nadarama.
Source: Karl, D. J. (2011). Perinatal Depression. Nursing for Women’s Health, 15(4), 277. https://doi.org/10.1111/j.1751-486x.2011.01647.x
Comments