top of page

"Dobleng Pasakit, Dobleng Pagbangon."


At sa panahon ng pandemya ay may dumating na unos,

Malakas na hangin kasabay ng malakas na ulan ang bumuhos.

Dobleng pangamba at takot ang nadarama,

Kailan nga ba matatapos ang tila ba’y walang hanggang parusa?


Takot at pangamba mula sa kaaway na hindi nakikita ng mata,

Takot at pangamba rin mula sa ulang sa bahay natin ay unti-unting sumisira.

Mabubuhay na lang ba tayo sa dobleng pasakit na ating nararanasan?

O pipilitin nating magkaroon ng positibong kaisipan?


Pilipino tayo. Kung may dobleng pababa ay dalawang beses din tayong aahon,

Kung tayo’y madadapa, kapit-kamay tayong babangon.

Maraming mawawala, pero maraming oras para magsimula,

Sa kaisipan nating matatag, bukas, mayroon na ulit pag-asa.


Kaya naman bumangon ka at simulan ang araw na may ngiti,

Pangalagaan ang kaisipan, mga mahal sa buhay, at sarili.

Hindi patas ang mundo pero hindi ka mag-isa dito,

May kasama ka sa hamon, babangon tayo.

References:

Cueto, L. J., & Agaton, C. B. (2021, April 29). Pandemic and Typhoon: Positive impacts of a double disaster on mental health of female students in the Philippines. MDPI. https://www.mdpi.com/2076-328X/11/5/64.

Rocha, I. C. N., Costa, A. C. dos S., Islam, Z., Jain, S., Goyal, S., Mohanan, P., Essar, M. Y., & Ahmad, S. (2021, May 3). Typhoons during the Covid-19 pandemic in the Philippines: Impact of a DOUBLE crises on mental Health: Disaster medicine and public Health Preparedness. Cambridge Core. https://www.cambridge.org/core/journals/disaster-medicine-and-public-health-preparedness/article/abs/typhoons-during-covid19-pandemic-in-the-philippines-impact-of-double-crises-on-mental-health/B4D10A8B67337A5ECA12CD22FCA4B621#access-block.

7 views

Recent Posts

See All

تعليقات


Written by: 

bottom of page